NAGA CITY-Patay na nang makita ng kanyang anak ang isang ama sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey, 55-anyos, residente ng Barangay Poblacion 1, sa nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na bandang alas 4:10 ng hapon nang madiskubre ng anak ng biktima na si Julius Cesar Clores, ang wala nang buhay na katawan ng ama nitong si Jeffrey na nakabitay sa loob ng kwarto nito sa kanilang bahay.

Samantala, sa isinagawang ocular investigation, napag-alaman na walang nakitang physical contact sa katawan ng biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nabanggit na insidente.