NAGA CITY- Babaguhin umano ng Tourism Office sa lungsod ng Naga ang approach nito sa turismo sa gitna nang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Alec Santos, ang Chief Tourism Officer nang local na gobyerno ng Naga kinakailangan nilang tutukan ang leisure at recreational travel dahil na rin sa lumalakas na online transactions.
Aniya, may mga tao na naghahanap ng mga lugar na maaring bisitahin na full package ang offer.
Samantala. ang iba naman nananatili sa mga hotel sa Naga City pero naghahanap pa rin ng ibang lugar na maaring puntahan gamit ang online transactions.
Advertisement
Sa ngayun, naniniwala si Santos na kung tututukan ang leisure sa lungsod, kaya nitong makipagsabayan at paangatin pa ang turismo sa Naga City sa gitna ng pandemya
Advertisement