Mas makulay kaysa sa inaasahan ang itsura ng buwan, ayon sa obserbasyon ng crew ng Artemis II sa kanilang kasaysayang lunar flyby, na nagmamarka ng pagbabalik ng sangkatauhan sa paligid ng buwan.
Ayon kay mission specialist Jeremy Hansen, napansin ng crew ang mga “brownish” at “greenish hues” sa ilang bahagi ng buwan, kabilang ang berdeng patch sa Aristarchus crater.
Binanggit din niya ang ilang brown areas sa buwan, kabilang ang malaking rehiyon sa kanlurang bahagi ng Orientale Basin, na inilarawan niya bilang parang “isang piraso ng pie.”
Ani Hansen, sa umpisa ay hindi tugma ang nakikita nila sa screens, ngunit nang dumating ang higher resolution images, mas naging malinaw at naiintindihan nila ang kanilang mga naobserbahan.
Maalala na umalis ang Artemis II noong Abril 1 at nagtala ng bagong record bilang pinakamalayong distansya na narating ng tao mula sa Earth—406,771 kilometro. Layunin ng Artemis program na maibalik ang tao sa ibabaw ng buwan pagsapit ng 2028 at magkaroon ng permanenteng presensya ng U.S. doon.














