NAGA CITY – Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Miss Earth 2019 na ilang mga aktibidad ng prestihiyosong beauty pageant ang gagawin parin sa lungsod ng Naga.

Kasama rito ang Miss Earth 2019 Flora of Naga Fashion Show, Long Gown Competition, Resort Wear at Talent Competition.

Base sa isang post sa kanilang website, pormal na gagawin ang coronation night ng nasabing pageant sa Cove Manila sa Okada Manila.

Bagamat hindi natuloy ang pagdaos ng Miss Earth 2019 sa lungsod ng Naga, buo parin ang pagsuporta ng alkalde ng lungsod na si Mayor Nelson Legacion kasama si dating Bokal Carlo Batalla sa naturang pageant.

Sa katunayan, patuloy umano ang ginagawang renovation ng Jesse M. Robredo Coliseum na isa sa mga lugar na pagdaraosan ng mga nasabing mga aktibidad.Top