NAGA CITY – Natagpuan na nakabalot sa isang garbage bag ang wala nang buhay na bagong panganak na sanggol sa lungsod ng Naga.

Ayon sa isang garbage collector, madaling araw kanina, Setyembre 26, 2023 habang ito ay nangongolekta ng basura mula sa truck sa San Isidro Landfill nang aksidente nitong mabuksan ang plastic na may laman na sanggol.

An naturang basura umano ay mula sa ruta na Dimasalang St. Cor Bagong Lipunan, Barangay Santa Cruz, batay naman sa naging pahayag ng driver nito.

Dagdag pa rito, mayroon pang umbilical cord ang sanggol at hindi pa batid kung wala na itong buhay nang ibalot sa plastic o dito na ito tuluyang binawian ng buhay.

Samantala, dakong 1:30 naman ng madaling araw nang nakarating sa pulisya ang nasabing insidente.

Sa ngayon, patuloy pa umano ang pagreview ng mga awtoridad sa mga kuha sa CCTV para matukoy kung residente ng lungsod ng Naga ang mga magulang ng sanggol o itnapon lamang mula sa mga karatig bayan.