NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang bangkay ng isang bata sa P1-A Brgy. San Roque, Mercedes Camarines Norte.

Kinilala itong si John Calvin Bornales 2-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), sinasabing nakatanggap umano ng report
ang mga otoridad sa isang nagngangalang Arthur Garcia hinggil sa nasabing bangkay.

Ayon sa report, nakita umano ni Garcia ang bangkay ng bata sa baybayin sa nasabing lugar na pinaniniwalaang nalunod.

Una rito, nabatid naman na ilang araw nang nawawala ang bata.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.