NAGA CITY – Sugatan ang isang Barangay Kagawad matapos barilin ng nagwawalang Kapitan sa Zone-4, Parada, San Antonio Iriga City.

Kinilala ang biktima na si Kagawad Celetaria Fernando, 48-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na sinubukan sanang awatin ni Fernando ang suspek na si Kapitan Renato Monedero na umano’y may hindi pagkakaintindihan ng kaaway na si Ciriaco Sayson.

Ngunit sa halip na magpa-awat, pinaputukan ni Monedero ang Kagawad ng dala nitong baril.

Tinamaan sa leeg ang biktima na agad namang isinugod sa ospital.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang naturang opisyal para sa karampatang disposisyon.