NAGA CITY- Nauwi sa trahedya ang sanay masayang bonding ng magkasintahan sa isang falls sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Petty Officer 1st Class Joseph Viñas ng PCG-Sub-Station San Jose, sinabi nitong namasyal sa isang falls sa lugar ang magkasintahang sina Francis George Buena, 34-anyos, empleyado ng DAR-Ocampo.

Lumusong umano si Buena sa tubig ngunit hindi na ito nakaahon pa.

Kaugnay nito, agad namang rumesponde ang mga otoridad sa lugar kung saan narekober naman ang katawan ng biktima ngunit wala ng buhay.

Sa ngayon, muli namang nagpaalala ang PCG sa publiko na mahigpit parin nilang ipinagbabawal ang pagbisita sa mga resorts at falls sa naturang lugar.