NAGA CITY-Binawian ng buhay ang isang caretaker galing sa Mauban, Quezon, pagkatapos itong malunod.

Kinilala ang biktima na si Germie Pabulayan Salibio, 56 anyos, residente ng Brgy. Santol ng nabanggit na bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, alas 9:30 aniya ng umaga, nakakuha ng impormasyon ang Mauban Municipal Police Station na may nakuhang katawan sa Horje Cafe sa Brgy. Santol sa nabanggit na bayan.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, caretaker aniya ng nabanggit na cafe ang biktima kung saan pagkatapos ng pagbaha nakuha ang wala nang buhay na katawan nito na pinaniniwalaang nalunod.

Sa ngayon, nag-request na ang Mauban MPS ng post mortem examination para sa biktima.