NAGA CITY- Umabot na sa mahigit 2,000 ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Coronavirus Disease sa Bicol Region.

Sa data ng Department of Health Center for Health Development – Bicol, muling nakapag tala ng 13 na panibagong kaso, kungsaan apat na bagong kaso ang naidagdag ang mula sa probinsya ng Albay habang siyam naman ang mula sa Camarines Sur.

Nabatid na sa kabuuan 2004 na ang confirmed cases sa rehiyon habang nasa 1567 naman ang bilang ng mga nakarecover dahil sa siyam na panibagong gumaling.

Sa ngayon umabot narin sa 81 ang bilang ng mga namatay dahil sa nasabing virus.

Samantala patuloy naman ang pag papaalala ng DOH-Bicol sa mamamayan na sumunod sa mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.