Inaasahan ang patuloy na pagbagal ng galaw ng cryptocurrency market sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East, ayon sa crypto trader at market analyst na si Christian Jay Azucena.
Sa panayam sa Star FM Roxas, sinabi ni Christian Jay Azucena, isang crypto trader at market analyst, na kasalukuyang mabagal ang trading activity sa merkado dahil sa kawalan ng tiwala ng mga investors.
Ayon kay Christian Jay Azucena, nananatiling maingat ang mga traders at investors, at posibleng bumalik lamang ang sigla ng cryptocurrency market kapag humupa ang tensyon sa rehiyon.
Dagdag pa niya, noong unang bahagi ng Abril ay iniulat na tatanggap ang Iranian authorities ng bayad gamit ang cryptocurrency mula sa mga oil ship na dadaan sa Strait of Hormuz, na nagpapakita ng patuloy na paggamit ng digital assets sa pandaigdigang kalakalan.
May mga ulat din na ilang barko ang nakapagbayad na gamit ang cryptocurrency, kasabay ng hakbang ng dating US President Donald Trump na i-freeze ang humigit-kumulang $344 milyon na halaga ng digital assets bilang bahagi ng economic pressure laban sa Iran.
Sa kabila ng mga kaganapan, sinabi ni Christian Jay Azucena na apektado rin ang mga local crypto traders sa Pilipinas dahil sa direksyong tinatahak ng global cryptocurrency market, na patuloy na sensitibo sa geopolitical developments.














