Wala pang inilalabas na opisyal na detalye ang mga awtoridad sa Czech Republic kaugnay sa iniulat na pag-aresto sa dating kongresista na si Zaldy Co malapit sa hangganan ng Germany at Czech Republic noong nakaraang linggo.

Ayon sa isang opisyal mula sa Czech Police Presidium, ang naturang kaso ay hawak ng Czech Ministry of Justice, kaya hindi pa maaaring maglabas ng karagdagang impormasyon ang pulisya.

Una nang lumabas ang mga ulat na naaresto si Co sa Europa, ngunit nananatiling hindi malinaw ang mga detalye kaugnay ng kanyang pagkakaaresto, posibleng kaso, at mga legal na hakbang na isasagawa.

Si Co, dating kinatawan ng 1st District ng Negros Occidental, ay dati nang iniugnay sa mga imbestigasyon sa umano’y flood-control ghost projects sa Pilipinas.

Advertisement

Kalaunan, nagtago siya at naglabas ng mga video kung saan iginiit niya na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang umano’y nasa likod ng korapsyon.

Advertisement