NAGA CITY- Patay ang dalawang persona matapos na magkabanggaan ang minamanehong motorsiklo sa Calabanga, Camarines Sur.
Kinilala ang mga ito na sina Rodolfo Ortiz, 44-anyos at si Elison Cometa, 35-anyos ng naturang bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang bumabyahe si Ortiz mula sa Brgy. Balongay papunta sa Brgy. San Lucas sa Calabanga, dito na ito aksidenteng nabanggaan ng minamaneho naman na motorsiklo ni Cometa.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang naturang mga persona na agad namang idinala sa ospital.
Ngunit idineklara nang Dead on Arrival ng mga doktor si Ortiz habang namatay din si Cometa.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.