NAGA CITY- Maikokonsiderang record breaking umano ang landslide result ng isinagawang district election sa Hongkong.

Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong isinagawa ang eleksyon sa 18 distrito kung saan 17 distrito ang naipanalo ng pro- democracy parties habang isang distrito lamang sa pro-China.

Ayon kay Sadiosa, unang beses itong nangyari sa kasaysayan ng Hongkong.

Kaugnay nito, agad aniyang nagdiwang ang mga tao matapos lumabas ang resulta.

Umaasa rin aniya ang mga tao na magiging daan ang naturang eleksyon para tuluyan nang makabalik sa normal ang halos anim na buwan ng kilos protesta sa Hongkong.

Sa ngayon hinihintay na lamang ang pormal na pagsasapubliko ng naturang election result.