Photo ©web

Ibinunyag ng Department of Energy o DOE ang malaking posibilidad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa unang linggo ng Hunyo.

Ayon kay DOE Oil Management Bureau Director Rino Abad, nakabatay ang inaasahang bawas-presyo sa apat na araw na trading sa pandaigdigang merkado ng langis.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na wala pa silang maibibigay na eksaktong estimate kung magkano ang maaaring ibaba sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Inaasahan namang malalaman sa araw ng Lunes ang pinal na galaw sa presyo ng langis batay sa resulta ng trading.

Advertisement

Karaniwang ipinapatupad ng mga kumpanya ng langis ang price adjustment tuwing araw ng Martes.

Patuloy namang mino-monitor ng DOE ang sitwasyon sa pandaigdigang merkado upang matukoy ang magiging epekto nito sa lokal na presyo ng langis.

Advertisement