Photo © web

Tiniyak ng Department of Justice o DOJ na patuloy na umuusad ang kaso kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero sa kabila ng mga napaulat na umano’y pagbibigay ng pera sa pamilya ng ilang biktima.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na hindi humihinto ang prosekusyon sa pagtupad ng mandato nito upang mapanagot ang mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Partikular na binanggit ng kalihim ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at iba pang mga sangkot o kapwa-akusado sa kaso.

Ayon kay Vida, nakatuon ang atensyon ng prosekusyon sa katotohanan at matitibay na ebidensya upang matiyak ang tamang pag-usad ng imbestigasyon.

Advertisement

Kasunod ito ng mga ulat hinggil sa umano’y pamamahagi ng pera ng kampo ni Atong Ang sa pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Gayunman, iginiit ng kalihim na hindi direktang makaaapekto sa kaso ang naturang usapin kahit magkaroon pa ng pag-atras ng ilang testigo.

Dagdag pa ni Vida, bukod sa testimonya ay nakabatay rin ang kaso sa tinatawag na object o real evidence na hawak ng prosekusyon.

Advertisement