NAGA CITY- Patay ang isang driver matapos pagbabarilin ng isang turista na pinaniniwalaang nasa impluwensya ng iligal na droga.

Nangyari ang insidente sa Munting Buhangin, Beach Camp, Brgy Natipuan, Nasugbu, Batangas.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), napag-alaman na binayaran ng isang pamilya ang driver na si Junnel Mar Alano, 35-anyos para ihatid sila sa nasabing Beach Camp.

Ngunit bigla na lamang umanong lumabas ang negosyanteng si Dennis Esmeralda,31-anyos na isa rin sa mga guest sa naturang beach at pinagbabaril si Alano.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ng bikt ima na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, ayon umano sa pahayag ng girlfriend ng suspek, tatlong araw ng hindi natutulog ang suspek dahil sa pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Matapos ang insidente, agad naman naaresto ng mga otoridad ang naturang suspek.