Wala pang nakikitang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang Department of Trade and Industry (DTI) sa kabila ng pangamba na maaapektuhan ito ng pagmahal ng produktong petrolyo dulot ng krisis sa Gitnang Silangan.
Ayon sa DTI, nananatiling stable ang presyo ng mga pangunahing bilihin batay sa isinagawang monitoring sa 172 establisimyento sa iba’t ibang lugar.
Sinabi ni Trade Assistant Secretary Regino Mallari Jr. na tiniyak ng mga pangunahing manufacturers na mayroon pa silang sapat na suplay ng kanilang mga produkto na maaaring tumagal ng hanggang dalawang buwan.
Dahil dito, sinabi ng ahensya na wala pa silang namomonitor na abnormal na galaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Gayunman, binanggit ng DTI na kung matutuloy ang pagsuspinde ng excise tax sa mga produktong petrolyo, maaaring magkaroon ng epekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin na posibleng tumaas mula dalawang porsyento hanggang walong porsyento.









