NAGA CITY- Patay ang empleyado ng isang ahensya ng gobyerno na pag-ibig fund matapos itong maaksidente sa Barangay San Roque, Bombon, Cam Sur.

Kinilala ang biktima na si Paul Hernandez, 26-anyos residente ng Barangay Pagatpat, Calabanga, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl Wilson Bantog, Spokesperson ng Bombon Pnp sinabi nito na galing sa isang inoman ang biktima kasama
ang kaniyang mga barkada habang pauwi na sana sa Calabanga.

Ayon kay Bantog, habang binabaybay ni Hernandez, ang kalsada nawalan umano ito ng kontrol at aksidenteng nabangga ang gutter ng tulay
habang tumama pa mismo ito sa cemento.

Bagamat completo naman umano sa safety gear ang nasabing biktima at walang makikitang dugo, pinaniniwalaang nagkaroon ito ng intenal injury
resulta ng agarang kamatayan nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hingil sa nasabing insidente.Top