NAGA CITY- Sugatan ang isang binata natapos pagkaisahan grupo ng kalalakihan sa Matogdon Bridge, Barangay Anahaw Labo, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na sakay ng jeep ang biktimang si Joshua Ferdinand de Vela nang biglang hinarang ng grupo ng kalalakihan pagdating sa naturang lugar.

Hanggang sa bigla na lamang umanong sinaksak sa tiyan ang biktima gamit ang balisong.

Samantala, naguli naman ng mga otoridad ang isa sa mga suspek na si John Michael Cereno habang pinaghahanap pa ang ilang mga suspek na kinilalang sina Jonmari Pagubayan, TJ Villamonte, alias Boboy Sancho at Robert Bermas.

Sa ngayon, nagpapagaling pa ang biktima sa tinamong sugat sa katawan.