NAGA CITY- Nagkaroon ng komosyon sa loob ng Partido Rice Mill matapos na komprontahin ni dating Congressman Rolando “Nonoy” Andaya ang isang driver ng SUV na pag mamay-ari ng nasabing korporasyon.

Mababatid na nakuhanan pa nang video ang pagkompronta ni Andaya sa mga security guards at drayber sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLTCOL Ryan Atanacio, OIC sa Pili MPS, sinaysay nito na problema sa trapiko ang naging dahilan ng pagkagalit ni Andaya sa drayber ng SUV.

Ayon sa imbestigasyon, papaliko aniya ang nasabing SUV sa kanang parte ng kalsada sa Brgy. New San Roque, Pili, Camarines Sur at papasok ito sa gate ng Partido Rice Mill ng sakto na man na tinatahak ni Andaya ang nasabing linya gamit ang kanyang big bike dahilan ng muntikan na magkagitgitan ang dalawang behikulo.

Dahil dito, napahinto aniya si Andaya at kinuha ang atensyon ng drayber upang ito’y kausapin ngunit dumiretso ito papasok ng coumpound.

Ito din aniya ang posibleng rason ng pagkagalit ng dating kongresista dahilan upang komprontahin nito an may ari at ang drayber sa loob ng nasabing lugar.

Samantala, makikita din sa video ang pagtulak ni Andaya sa isang pulis na kinilalang si PLT Jeson Barcenas na nagresponde sa insidente.

Sa ngayon, nagka-aregalo na aniya sina Andaya at ang drayber ng SUV ngunit naghain na man ng kasong “Unjust Vexation” kontra sa dating kongresista an pulis na nagresponde lamang sa kaguluhan.