Target ng House Prosecution Panel na magharap ng humigit-kumulang 25 testigo sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado.

Ayon kay House Lead Prosecutor at Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro, hindi muna nila maaaring isapubliko ang pagkakakilanlan ng mga testigo dahil kasalukuyan pa silang sumasailalim sa vetting process.

Gayunpaman, sinabi ni Luistro na kabilang sa mga posibleng tumestigo ang ilang opisyal mula sa Department of Education o DepEd at Office of the Vice President o OVP.

Dahil umano sa pagiging malapit ng ilan sa mga ito kay VP Sara, inaasahan na ng prosecution panel na magiging pabor ang kanilang testimonya sa Bise Presidente kaya ituturing silang “hostile witnesses” sa ilalim ng rules of evidence.

Advertisement

Kabilang sa mga naunang humarap sa clarificatory hearings ng House Committee on Justice si Ramil Madriaga na nagpakilalang dating aide at umano’y bagman ni VP Sara.

Nagprisenta rin ng testimonya ang AMLC Executive Director Ronel Buenaventura hinggil sa umano’y ₱6.7 bilyong kahina-hinalang bank transactions nina VP Sara Duterte at Atty. Manases Carpio mula 2006 hanggang 2025.

Samantala, naglatag din ng mga ebidensya ang National Bureau of Investigation sa pangunguna ni Director Melvin Matibag, kabilang ang mga authenticated video, acknowledgment receipts, at iba pang detalye kaugnay ng umano’y mga pagbabanta ng Pangalawang Pangulo.

Advertisement