NAGA CITY- Nagpalabas ngayon ng kautusan ang Taiwan government hinggil sa panibagong paraan nito para maiwasan na kumalat ang Coronavirus
Desease.

Sa report ni Bombo International Correspondent Lorilyn Bermas sinabi nito na hinati sa dalawang groupo ang mga empleyadong nag tatrabaho sa mga companya kung saan ito ay binubuo ng Blue line at Red line.

Ayon kay Bermas hindi pweding makihalubilo ang mga empleyadong nasa magkabilang linya, ito ay para kung sakali mang may mag positibo sa
covid-19 agad na matutukoy ng mga medical team kung sino ang mga isasailalim sa quarantine.

Dagdag pa nito pati shutle bus na ginagamit ng mga companya ay naayon rin sa kulay na kinabibilangan ng mga empleyado.

Sa ngayon wala umanong magagawa ang mga empleyado dito kung hindi ay sumunod nalamang upang makaiwas sa nasabing virus.

Tiniyak naman ng companya na kung sakali man umanong may mag positibo ay hindi lahat mawawalan ng trabaho.