Nagbabala ang Iranian armed forces na anumang pag-atake sa kanilang oil at energy infrastructure ay magreresulta sa pag-atake sa mga energy facilities ng mga kumpanyang nakikipagtulungan sa Estados Unidos sa rehiyon, ayon sa ulat ng Iranian media.
Ang babala ng Iran ay kasunod ng pahayag ni US President Donald Trump na sinira ng Estados Unidos ang ilang military targets sa pangunahing oil hub ng Iran sa Kharg Island.
Ang Kharg Island ang pangunahing export terminal ng humigit-kumulang 90% ng kabuuang oil shipments ng Iran, kaya naman itinuturing na mahalagang punto sa pandaigdigang supply ng langis.
Ayon sa Iranian armed forces, ang anumang karagdagang operasyon laban sa kanilang energy infrastructure ay sasalubungin ng retaliatory strikes laban sa mga facility ng mga kumpanyang kaalyado ng US sa rehiyon, na nagdudulot ng panganib sa seguridad ng enerhiya sa Gitnang Silangan.














