NAGA CITY- Arestado ang itinuturing na high value individual sa buy bust operation ng mga awtoridad sa Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Alyas Lawrence, 47, residente ng Brgy. Mayao Crossing, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na bandang 2:45 ng madaling araw noong Biyernes sa Purok Baybayin 2, Brgy. Ibabang Dupay, ang mga tauhan ng nasabing headquarters, kasama ang PDEA, ay nagsagawa ng buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing suspek.

Sa nasabing operasyon, bumili ang posuer buyer ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu mula mismo sa suspek gamit ang P1,000 bilang buy bust money na isa rin sa mga nakumpiska ng mga awtoridad.

Nakumpiska rin mula sa suspek ang isang black coin pursed, isang heat sealed transparent plastic bag na naglalaman ng droga, at isang unit na dilaw na Yamaha MIO motorcycle.

Sa kabuuan, humigit-kumulang 21.5 gramo ang bigat nito at nagkakahalaga ng P483,600.

Sa ngayon ay nsasa kustodiya na ngayon ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.