NAGA CITY – Nagulantang ang mga residente malapit sa Panganiban bridge sa lungsod ng Naga matapos na isang lalaki ang bigla na lamang tumalon sa nasabing tulay.

Nangyari ang insidente kaninang lampas alas-8 ng umaga, Agosto 7, 2024.

Ayon sa mga nakasaksi, bago ang insidente mayroong tatlong magkakapatid ang nagbibiruan na tumalon sa nasabing tulay.

Samantala, agad naman na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad sa lugar upang mailigtas ang nasabing lalaki.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing pangyayari.