Kinumpirma na ng aktor na si Jake Cuenca ang kanyang relasyon kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
Ayon kay Jake, labis siyang humanga kay Rabiya dahil sa pagiging matalino at maayos nitong personalidad kaya siya mismo ang gumawa ng paraan upang magkakilala silang dalawa.
Ibinahagi ng aktor na nagsimula siyang magpapansin sa beauty queen sa pamamagitan ng social media hanggang sa tuluyan siyang mapansin nito.
Naging opisyal naman ang kanilang relasyon noong Mayo 18 matapos niyang yayain si Rabiya na magtungo sa Disneyland sa Hong Kong.
Advertisement
Advertisement














