NAGA CITY- Kahirapan ang sa sa mga nakikitang dahilan kung bakit may mga indibidwal ang nasasangkot sa pagnanakaw sa lungsod ng Naga.

Ito ang sinabi ni PCol. Marlon Catan, City Director ng Naga City Police Office sa pagharap nito sa mga kawani ng media.

Aniya, isa ang kahirapan dahil sa pandemya ang sinasamantala ng iba upang gumawa ng masama.

Mayroong din na posibilidad na ito ang paraan ng iba upang kumita.

Habang ang iba naman ginagawa ang gayong pamamaraan upang madakip at makulong upang makakain sila ng isang beses sa isang araw sa halip na magpalaboy-laboy sa kalsada kung saan hindi sigurado kung makakakain sa isang araw.

Kung kaya dahil dito, bumuo sila ng squad stop upang maaresto ang mga taong sangkot sa tulad na gawain.

Sa ngayon, panawagan na lang ni Catan kung sakali na mayroon pa aniya na mga nagbabalak na magsagawa ng tulad na gawain , huwag nang subukan pa dahil gagawin nila ang kanilang tungkulin na maaresto ang mga ito.