Pasado na sa House Committee on Government Enterprises ang House Bill No. 207 na naglalayong ibaba ang optional retirement age ng mga manggagawa sa gobyerno, kabilang ang mga guro sa pampublikong paaralan, sa 56 anyos mula sa kasalukuyang 60.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, isa sa mga co-author ng panukala, mahalagang hakbang ang pag-apruba ng komite tungo sa mas makataong polisiya sa pagreretiro para sa mga guro at empleyado ng gobyerno.

Layunin din ng panukala na bigyan ng opsyon ang mga kawani na magretiro sa edad na 56, lalo na yaong nakararanas na ng matinding pagod o burnout dahil sa bigat ng trabaho sa serbisyo publiko.

Giit ng mambabatas, tugon ang panukala sa matagal nang panawagan ng mga guro para sa mas maagang pagreretiro.

Advertisement

Nilinaw din niya na hindi babawasan ng panukala ang compulsory retirement age, kundi magdaragdag lamang ito ng opsyon para sa mga nais magretiro nang mas maaga, lalo na yaong “worn down” na sa mahabang taon ng pagtatrabaho.

Advertisement