Inaprubahan ng House of Representatives of the Philippines sa ikalawang pagbasa ang panukalang Anti-Political Dynasty Act na naglalayong ipagbawal ang sabay o sunod-sunod na paghawak ng kapangyarihan ng magkakamag-anak sa iisang lugar.

Sa ilalim ng House Bill No. 8389, hindi maaaring tumakbo o manungkulan sa parehong lokalidad ang mag-asawa o mga kamag-anak hanggang ikalawang antas ng dugo o relasyon.

Saklaw ng panukala ang mga posisyon sa barangay, munisipyo, lungsod, lalawigan, at distrito sa Kamara.

Pinangunahan nina Faustino Dy III at Ferdinand Alexander Marcos ang panukala na sinuportahan din ng mahigit 170 mambabatas.

Advertisement

Ayon sa mga may-akda ng panukala, layunin nitong palakasin ang tiwala ng publiko sa pamahalaan at bigyan ng pantay na pagkakataon ang iba pang nais makapasok sa serbisyo publiko.

Kapag naisabatas, obligado ring magsumite ang mga kandidato ng sinumpaang salaysay sa Commission on Elections bilang patunay na hindi sila lalabag sa ipinagbabawal na political dynasty.

Nakasaad din sa panukala na ipatutupad ang batas sa susunod na halalan kapag ganap na itong naaprubahan.

Advertisement