NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang babae sa Catanauan, Quezon.

Tinatayang nasa edad na 50 hasta sa 60-anyos ang nasabing biktima.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang tinatali ng isang Roger Paras Glendo ang
kalabaw nito ng makita ang katawan ng biktima sa may lubluban ng kalabaw at wala ng buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman pa ng matagpuan ang nasabing babae, wala pa na itong pang-itaas na suot.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.