NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang jeepney driver sa Pagbilao, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Christopher Sugay, 48-anyos, residente ng Brgy. Parang, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lang ng live in partner ng biktima na kinilalang si Noryln Sanchez ang wala ng buhay sa loob ng kanilang kwarto.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid pa na huling nakita na buhay si Sugay nang magpaalam na ito ay magpapahinga lang sa second floor ng kanilang bahay.

Samantala, wala namang nakitang foul play sa pinangyarihan ng insidente at pinaniniwalaan na heart attack ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.