NAGA CITY- Lakas ng loob ang naging armas ng isang indibidwal na nakapasa at nakuha ang Top 8 na spot para sa June 2024 Certified Tax Technician examination.

Ayon kay May Huit, Certified Public Accountant and Certified Tax Technician examination gikan Camarines Sur, sinabi nito na hindi madali ang nasabing eksaminasyon dahil isang linggo lamang ang kanyang naging preparasyon.

Kaugnay nito, sa kabila ng pressured na naramdaman, pinagpatuloy nito ang eksaminasyon dahil nakapagbitiw na ng pero ang kanyang mga magulang at sayang naman umano kung hindi ipagpapatuloy.

Kung kaya, pinagsikapan ni Huit na mag-aral ng mabuti sa kabila ng kakulangan sa oras at panahon.

Dagdag pa nito, ang resulta ng eksaminasyon ay nagpatunay na kapag ginusto ng isang tao, magigin posible ang lahat nang kanyang hangarin sa buhay.

Samantala, nagpa-abot naman ng pasasalamat si Huit sa kanyang pamilya na laging sumusuporta sa mga bagay na kanyang pinapasukan at sa mga bagay na kanyang gustong gawin.