NAGA CITY- Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang lalaki matapos ang nangyaring banggaan ng isang motorsiklo at truck sa Zone 2 Brgy. San Felipe Naga City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay alyas “Dodong” isa sa mga nakakita ng nasabing banggaan, sinabi nitong nagtangka umanong mag-overtake ang truck sa nasabing motorsiklo at inokupa ang linya nito.

Dahil dito, nagka-head on collision ang dalawa habang tumilapon naman sa kalsada ang drayber ng motorsiklo na nagtamo ng malalang tama.

Samantala, agad namang dinala sa pagamutan ang biktima para sa karampatang asistensya medikal.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.