Alam ba ninyo mga ka-bombo, patuloy ang pag-iimbestiga ng Chinese authorities sa kaso ng isang senior citizen na namatay matapos ang 13 araw matapos na magpabunot ng 23 na ngipin at magpa-insert ng 12 implants sa kaparehong araw sa isang dental clinic.
Kaugnay nito, isang Ms. Shu, residente ng Yongkang City, sa Zhejiang Province, ang nagsampa ng reklamo sa Municipal Health Bureau laban sa local dental clinic matapos ang pagkamatay ng kanyang ama.
Batay sa salaysay ng babae, nakaranas ng matinding pananakit ang kayang ama sa buong 13 days matapos na magkaroon ng fatal heart attack na nagresulta sa pagkamatay nito.