NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos mabagok sa upuan dahil sa sobrang kalasingan sa San Jose, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Alberto Trillanes, residente ng Zone 6, Barangay Sta Cruz sa nasabing bayan.

Sa nakalap na imbestigasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na nakikipag-inuman pa ang biktima sa isang lamay nang makatulog ito sa upuan at mahulog kung kaya pinagtulungang maiupo ng dalawang katao.

Subalit, sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nang humiga na ito dito na aksidenteng nakatama ang ulo nito sa nasabing upuan dahil sa kalasingan.

Kaugnay nito, nakita na lamang ang biktima na hindi na ito humihinga kung kaya agad naman itong dinala sa ospital ngunit, ideniklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.