NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na magpatiwakal sa Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Adonic, 43-anyos, residente ng Barangay Ginuangan sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima ng kanyang mismong anak na nakabigti sa loob ng kanilang lumang bahay sa Barangay Ginuangan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na bago ang insidente, ayon sa asawa ng biktima dumaranas ng depression at apat na araw ng walang tulog ang biktima dahil sa mataas na cholesterol level.

Samantala, wala namang nakitang foul play sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.