NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos aksidenteng masagasaan ng isang motorsiklo sa Zone-5, Brgy. Palsong, Bula Camarines Sur.

Kinilala ang biktia na si Santiago Alvania residente ng Zone-1, Sitio. Sugod, Gilid-Gilid sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Fernando Cedo hepe ng Bula-PNP, sinabi nitong habang sakay ng bisekleta si Alvania ng aksidenteng mabangga ng humaharurot na motorsiklo na minamaneho ni Michael Mades, 32-anyos kasama ang back rider na si Jay Dancalan, 20- anyos.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad ding binawian ng buhay.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.