NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki habang tadtad ng taga sa Barangay Maysalay, Goa, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Gary Celo, 54-anyos, residente ng Barangay Bagumbayan Grande sa nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na nakita na lamang ni Roderick Cantor ang biktima na nakahandusay sa lupa sa loob ng kaniyang nipa hut sa pagmamay-ari nitong niyogan at tadtad ng taga.
Sinubukan pa umanong itakbo sa ospital ang biktima ngunit hindi na umabot pa ng bu hay.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad gayundin ang pagtunton sa pagkakakilanlan ng salarin.