NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Lucena, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Ricardo Manalo, 67-anyos, residente ng Brgy. Gulang-Gulang, sa naturang lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na noong Oktubre 23, 2020 pa umano umalis sa kanilang bahay ang biktima ngunit hindi na ito nakauwi.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na isang 11-anyos na bata ang nakakita sa nagpapalutang-lutang na katawan ng biktima kung kaya pumunta ang bata sa kaniyang lola para ipaalam ito na agad naman nilang nireport sa mga otoridad.
Samantala, pinaniniwalaang nalunod ang biktima kun saan may hawak-hawak pa itong fishnet g matagpuan.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad.