NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang isang lalaki na nakabitay sa isang kubo sa Zone 4 Barangay Bataan, Tinambac Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Marlo Devota, 22-anyos, residente sa naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na may sakit sa pag-iisip ang naturang biktima.

Una na dito napag-alaman na nakita na lamang umano ang biktima na nakabitay sa loob ng isang kubo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, wala naman umanong nakita na external injuries sa katawan ng biktima ngunit isasailalim pa rin ito sa post mortem examination.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.