NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang lalaki matapos magbigti sa Naga City.

Kinilala ang biktima na si “JAY”, 27-anyos, residente ng Zone 4 Brgy. Mabolo sa naturang lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Police Regional Office V, napag-alaman na isang Reynaldo Joven ang nakakita sa biktima habang nakabigti sa loob ng bahay gamit ang nylon na lubid.

Napag-alaman naman na agad na nagresponde sa insidente sina Pat De Jesus at Pat Lumabao matapos matanggap ang impormasyon.

Sinubukan pa naman sana nina De Jesus at Lumabao na mgasagawa ng CPR sa biktima ngunit wala naman umano itong response.

Dinala naman si Jay sa Bicol Medical Center ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.