NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos ang isinagawang drug buy bust ops sa Zone 1, Boys Town, Brgy Pacol, Naga City.
Kinilala ang suspek na si Rodel Llona, residente ng Gainza, Camarines Sur.
Narekober dito ang maabot sa 25 grams ng pinaniniwalaang shabu na mayroong halaga na aabot sa P170,000.00.
Ngunit ng malaman umano ng suspek na isang pulis ang kaniyang katransaksyon, agad itong nagpaputok sa mga otoridad.
Ngunit ng gumanti ang mga otoridad napuruhan ito resulta ng kaniyang agaran na pagkamatay.
Napag-alaman din na ang naturang suspek ay isang Top 4 Regional Recalibrated Database of drug personalities ng lalawigan.
Habang sa pakikipag-usap naman ng Bombo Radyo Naga kay PMaj Dennis San Juan, Station Commander ng Naga City Police Office (NCPO) station 4, sinabi nito na ang naturang operasyon ay isang joint inforcement ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at Naga City Police Office.
Nanawagan naman ito sa mga sangkot sa iligal na droga na tumigil na dahil maraming mga mamamayan ang naaapektuhan at nasisira ang buhay.