NAGA CITY- Sugatan ang isang 55-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin sa Brgy. Vigaan, Sipocot, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial office (CSPPO) napag-alaman na nangyare ang krimen habang nakikipaginoman ang biktima na kinilalang si Jose Bagasbas sa suspect na si Santiago Valencia.

Ngunit sa hindi malamang dahilan ay bigla nalamang umanong pinagbabaril ng suspek ang biktima gamit ang hindi pa malamang uri ng baril, kung saan nag tamo ito ng tama sa kaliwang paa nito.

Agad namang itinakbo sa ospital si Bagasbas para sa asistensya medical.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hingil sa nasabing insidente.