NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng sariling kapatid sa Pagbilao, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Allan Abrehan, 42-anyos, residente ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Laurence Abrehan, 38-anyos, residente ng Sitio Pag-asa, Brgy. Bigo, Pagbilao, sa naturang lalawigan, nang magkaroon ang mga ito ng mainit na diskusyon.

Dahil dito, pinagsasaksak ng suspek ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad nabatid na dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa kanilang mga katawan ang biktima at ang suspek agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.