NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pag tatagain sa mukha dahil sa hindi pagkakaintindihan sa Brgy. Matacla, Goa, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Joel Luna, 46-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office(CSPPO) nabatid na habang papunta ang biktima sa bahay ng kanyang bayaw sakay ng kanyang motorsiklo ay nadaanan nito ang suspect na si Jesus Fernandez at kinompronta ito hinggil sa hindi pagkakaintindihan nito at ng kanyang bayaw.

Dahil sa pag krompronta ng biktima sa nasabing suspect ay nagalit ito at pinag tataga ito sa mukha, kung saan nag tamo si Luna ng dalawang tama sa mukha at agad naman idinala sa pinakamalapit an ospital.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari habang pinaghahanap pa ang tumakas na suspek.