NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lolo sa Atimonan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Venancio Fajardo, 76-anyos, residente ng Brgy. Malusak sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakaamoy na lamang ng masangsang na amoy ang isang Rolando Maroon, residente rin ng nasabing lugar mula sa bahay ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nang matagpuan ito ay tila puno ng dugo.

Dagdag pa rito, nagkalat din ang mga gamit ng biktima sa loob ng bahay nito kung saan sira rin ang likod na bahagi ng kaniyang bahay.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagwang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.