Photo ©web

Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) ang tatlong buwang extension para sa lahat ng driver’s license at vehicle registration na nakatakdang mag-expire, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa LTO, saklaw ng hakbang ang mga dokumentong mag-e-expire simula Abril 2026, na maaaring i-extend ng hanggang tatlong buwan nang walang multa o penalty.

“In line with the directive of President Marcos Jr. and pursuant to the declaration of a State of National Energy Emergency, the Land Transportation Office (LTO) announces the extension of validity for a period of three (3) months,” ayon sa ahensya.

Saklaw ng extension ang driver’s at conductor’s licenses, student driver’s permits, at rehistro ng mga sasakyan. Sa loob ng extended period, hindi rin sisingilin ng karagdagang bayarin ang mga motorista para sa late renewal.

Advertisement

Layunin ng polisiya na mabigyan ng ginhawa ang publiko sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang pangunahing bilihin, at mabawasan ang pasanin ng mga motorista habang pinahihintulutan silang makapag-renew nang hindi agad napepenalize.

Giit ng LTO, ang hakbang ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na magbigay ng mas maayos at mas abot-kayang serbisyo sa mga gumagamit ng kalsada.

Advertisement