NAGA CITY – Patay ang isang magsasaka matapos magpakamatay sa Brgy. Silongin, San Francisco, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Bernadita Sarmiento Robles, 57-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ng pamangkin ang katawan ng biktima na nakabigti sa isang abandonadong bahay malapit sa kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na may pinagdadaanang problema sa pamilya ang biktima lalo na ang hinggil sa karelasyon nito na homosexual.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.