NAGA CITY – Patay ang isang magsasaka matapos pagtatagain sa Mulanay, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Reynante Tolda, 27-anyos residente ng Brgy. Ibabang Yuni sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman at nagkakantahan ang biktima at ang suspek na kinilalang si Wilfredo Tolda, 48-anyos, residente ng nasbaing lugar nang magkaroon ang dalawa ng argumeto kung sino ang hahawak ng microphone na nagresulta ang insidente sa pananaga ni Wilfredo ki Reynante.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad napag-alaman na dahil sa insidente nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.

Samantala, agad namang tumakas ang suspek sa hindi pa malamang direksyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan gayundin ang pagtunton sa posibleng kinaroronan ni Wilfredo.